3 katao ang inaresto dahil sa pagka-matay ng isang 83 anyos na lalaki sa isang hotel sa Tokyo

Ang footage ng surveillance camera ay nagpakita na ang babae ay umalis sa hotel makalipas ang halos isang oras at may dalawang lalaki sa labas na nag aabang.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

TOKYO-Inaresto ng pulisya noong Sabado ang isang 24-anyos na babae at dalawang lalaki na may edad 29 at 24 dahil sa pagpatay sa isang 82-anyos na lalaki na natagpuang puro saksak hanggang sa ito’y malagutan nang hininga sa isang love hotel sa Tokyo noong Biyernes ng gabi.

Ang biktimang si Katsuzo Kono mula sa Saitama City, ay natagpuan sa ika-10 palapag na silid ng hotel sa Ikebukuro bandang alas-10 ng gabi, iniulat ng Fuji TV. Sinabi ng pulisya na ang lalaki, na hubo’t hubad ang katawan, ay sinaksak sa dibdib at hita at idineklarang patay sa pinangyarihan.

Sinabi ng pulisya na walang laman ang wallet ni Kono. Walang nakitang kutsilyo sa kwarto.

Nag-check in si Kono sa hotel kasama ang isang babae bandang 8:10 p.m. Ang footage ng surveillance camera ay nagpakita na ang babae ay umalis sa hotel makalipas ang halos isang oras at may dalawang lalaki sa labas na nag aabang.

Nakatanggap ng tawag ang pulis alas-9:45 ng gabi. mula sa isang pampublikong telepono, kung saan ang isang babae, na hindi nagbigay ng kanyang pangalan, sinabi niyang nakatanggap siya ng mensahe sa Line mula sa isang kaibigan na may nangyaring masama sa hotel.

Matatagpuan ang hotel may 400 metro mula sa JR Ikebukuro Station.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund