Yokohama, nag-lunsad ng travel campaigns para sa mga lokal na mamamayan

Ayon sa Yokohama Convention & Visitors Bureau, na siyang namamahala sa campaign, ngayon na ang impeksyon ng coronavirus ay nako-kontrol na, nais nila na mapalakas ang lokal na ekonomiya sa pamamagitan ng pag-stimulate ng demand sa turismo.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspYokohama, nag-lunsad ng travel campaigns para sa mga lokal na mamamayan

Nag-lunsad ang Lungsod ng Yokohama sa Prepektura ng Kanagawa malapit sa Tokyo ng isang travel campaign na limitado lamang para sa mga lokal na mamamayan nito.

Nag-bibigay ng subsidies ang gastos para sa mga day trips o lodging sa lungsod. Ang mga day trip ay mayroong 50 percent na discount kapag weekdays at 35 percent naman kapag weekends at holidays. Ang mga accommodation sa lungsod ay may discount na aabot hanggang 5,000 yen o mahigit 44 dollars, ayon sa mga presyo.

Ang pagpapa-reserve ay magagawa lamang sa pamamagitan ng mga dedicated website.

Ang “Find Your YOKOHAMA” campaign ay sinimulan nuong Biyernes na aabot hanggang Nobyembre at hanggang sa magamit ang budget para rito. Ngunit maaaring mag-iba ang nasabing campaign sanhi ng sitwasyon ng coronavirus.

Ayon sa Yokohama Convention & Visitors Bureau, na siyang namamahala sa campaign, ngayon na ang impeksyon ng coronavirus ay nako-kontrol na, nais nila na mapalakas ang lokal na ekonomiya sa pamamagitan ng pag-stimulate ng demand sa turismo.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund