Teacher huli sa pagmomolestiya ng estudyante sa loob ng classroom

Inaresto ng pulisya sa Tokyo ang isang 29-taong-gulang na guro sa elementarya sa pang-apang-momolestiya sa isang babaeng estudyante noong nakaraang taon. #PortalJapan see more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspTeacher huli sa pagmomolestiya ng estudyante sa loob ng classroom

TOKYO

Inaresto ng pulisya sa Tokyo ang isang 29-taong-gulang na guro sa elementarya sa pang-apang-momolestiya sa isang babaeng estudyante noong nakaraang taon.

 

Ayon sa pulisya, ang insidente ay naganap sa isang silid aralan, iniulat ng Sankei Shimbun. Ang suspek na si Yoshiyuki Takahashi, na nakatira sa Itabashi Ward, ay inakusahan na ikinulong ang batang babae sa loob ng silid aralan sa pagitan ng kalagitnaan ng Oktubre at unang bahagi ng Disyembre ng nakaraang taon. Sinabi ng pulisya na hinawakan niya umano ang dibdib ng dalaga at sa iba pang parte ng katawan. Kinunan niya rin ng picture ang katawan ng biktima.

 

Sinabi ng pulisya na inamin ni Takahashi ang krimen at ayon sa kanya, “Hindi ko mapigilan ang aking mga sekswal na pagnanasa.”

Sinabi ng pulisya na pinatawag ni Takahashi ang batang babae sa walang taong silid-aralan at sabing bibigyan  siya ng isang selyo kung siya ay pupunta doon matapos ang klase. Pagkatapos ay ikinandado niya ang silid aralan.

 

Sinabi ng dalaga sa pulisya na pagkatapos ng insidente, siya ay takot na takot na sabihin sa sinuman ang nangyari. Gayunpaman, noong Mayo ngayong taon, nakita niya si Takahashi malapit sa kanyang tahanan. Niyaya siya nito sa sumama sa kanya upang maaag usap at nais niyang humingi ng tawad sa kanya. Tumanggi siya at sinabi sa kaibigan ang insidente. Nagsumbon ang kaibigan sa paaralan ng batang babae.

 

Sinabi ng pulisya na maraming iba pang mga babaeng mag-aaral ang nagsimula at nag-ulat ng mga katulad na insidente na ginawa ni Takahashi.

 

© Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund