Isang lalaki arestado, matapos magpa-kita ng maselang bahagi ng katawan sa mga babae sa isang park

Nagpa-hayag ang isang spokesperson para sa JAL na humihingi ng paumanhin at ikinalulungkot nito na isa sa kanilang mga empleyado ay maka-gagawa ng ganitong bagay.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

Ayon sa mga pulis, ang insidente ay nangyari bandang alas-4:00 ng hapon nuong ika-11 ng Septyembre, ayon sa ulat ng Sankei Shimbun. Ang suspek na si Akihiro Imanaga, na isang empleyado ng Japan Airlines ay nilapitan ang mga batang babae na naka-upo sa isang bangketa. Ibinaba niya ang kanyang pantalon at umupo sa kanilang tabi, ani ng mga pulis.

Tumakbo ang mga bata at ang isa sa mga ito ay nag-sumbong sa kanyang ina sa kung ano ang nangyari sa kanila. Agad na tumawag ang ina sa 110. Sinabi ng mga pulis na si Imanaga ay nakilala sa pamamagitan ng surveillance camera footage. Idinagdag rin nito na ang suspek ay ini-imbestigahan dahil sa ilang mga kaparehong insidente kamakailan na ini-rereport sa ilang mga park sa lugar.

Nagpa-hayag ang isang spokesperson para sa JAL na humihingi ng paumanhin at ikinalulungkot nito na isa sa kanilang mga empleyado ay maka-gagawa ng ganitong bagay.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund