Lalaki, nag-tamo ng pinsala habang pinipigilan ang 2 lalaki sa nanloloob sa kanyang sasakyan

Isa sa mga lalaki sa loob ng sasakyan ay gumamit ng isang tool upang hampasin ang kamay ng lalaki na siya namang naging dahilan kung bakit nahulog ang biktima mula sa pagkaka-hawak.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Japan ambulance

Isang 44 anyos na lalaki ang nag-tamo ng pinsala matapos niting tangkain na pigilan ang dalawang kalalakihan na pasukin ang kanyang sasakyan sa Osaka.

Ayon sa mga pulis, ang insidente ay nangyari sa parking lot ng isang munisipal housing complex sa Hirano Ward bandang alas-6 ng umaga nuong Sabado, mula sa ulat ng isang local media. Sinabi ng mga pulis na narinig umano ng lalaki ang pag-tunog ng alarm system ng kanyang kotse at agad na tumakbo palabas ng bahay upang tignan kung ano ang sanhi ng pag-tunog nito.

Sinabi nito sa mga pulis na may nakita siyang dalawang lalaki na nais pasukin ang kanyang kotse. Agad niya itong nilapitan, ang dalawa ay nakaoasok na sa loob ng sasakyan. Habang ang mga suspek ay papa-alis na, ang biktima ay tumalon sa hood ng sasakyan upang pigilan ang pag-takas nito. Ang kotse ay naimaneho pa hanggang 800 meters habang naka-sabit ang lalaki sa hood.

Isa sa mga lalaki sa loob ng sasakyan ay gumamit ng isang tool upang hampasin ang kamay ng lalaki na siya namang naging dahilan kung bakit nahulog ang biktima mula sa pagkaka-hawak. Hindi naman malubha ang pinasalang natamo ng biktima ayon sa mga pulis.

Ang dalawang lalaki na nag-carnap ay inilalarawang nasa kanilang 40’s at may taas na 175 at 170 cm.

 

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund