2 lalaki ang namatay, matapos maka-tanggap ng sinuspendeng bakuna ng Moderna

Pareho binawian ng buhay ang dalawang lalaki ,tatlong araw matapos magpa-bakuna.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbsp2 lalaki ang namatay, matapos maka-tanggap ng sinuspendeng bakuna ng Moderna

 

Ipinahayag ng Health Ministry ng Japan na may 2 lalaki na namatay matapos maka-tanggap ng dose ng Moderna Coronavirus Vaccine na kasama sa batch na kalaunay sinuspinde matapos mapag-alaman na may contaminants.

Sinabi ng ministro na hindi pa malinaw kung may kinalaman ang kanilang kamatayan sa natanggap na bakuna.

Ang dalawang lalaki ay nag-eedad ng 30 at 38 anyos, nagpa-bakuna ang dalawa nuong August 22 at 15, pareho silang binawian ng buhay tatlong araw matapos magpa-bakuna.

Sinabi rin ng ministeryo na ang dalawa ay walang namang naitalang karamdaman, at ang sanhi ng kanilang pagka-matay ay hindi pa malinaw.

Ang foreign substance na pinaniniwalaang metallic particles ay natagpuan sa mga hindi pa nabubuksang vials ng Moderna vaccine sa mga ilang vaccination sites sa Japan nitong kalagitnaan ng Agosto.

Agad na ipina-tigil ng health ministry ang pag-gamit sa 1.63 million doses ng bakuna na ginawa sa iisang pabrika at sa parehong panahon na natagpuan ang mga vials na nag-lalaman ng foreign substances. Sinabi nila na ang vials ay mayroong tatlong lots– isa rito ay nag-lalaman ng foreign substance, at ang dalawa ay walang natagpuang foreign substance.

Sinabi rin ng ministeryo na ang doses na natanggap ng dalawang lalaki ay hindi kabilang dun sa lot number na may natagpuang contaminations.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund