Lalaki arestado matapos kidnapin ang 14 anyos na babaeng nakilala nito sa social media

Natagpuan ng mga pulis ang dalawa sa isang sasakyan na naka-park sa isang home improvement store sa Maebashi bandang alas-2:10 ng hapon nuong Miyerkules.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

Ayon sa pahayag ng mga pulis,kinidnap umano ni Jun Higuchi, isang residente ng Maebashi City, Gunma Prefecture ang isang dalagita na naninirahan sa northern Tochigi Prefecture nuong Martes, sa kabila ng pagkaka-alam nitong menor de edad ang bata, ayon sa pag-uulat ng Sankei Shimbun. Dinala ni Higuchi ang dalagita sa Maebashi City at pinanatili sa loob lamang ng sasakyan.

Tumawag sa mga awtoridad ang ama ng dalagita bandang alas-7:45 ng umaga upang i-report na nag-layas ang kanyang anak. Isang liham ang nakita sa loob ng tahanan na nag-sasabi na “Ayoko sa bahay.”

Natagpuan ng mga pulis ang dalawa sa isang sasakyan na naka-park sa isang home improvement store sa Maebashi bandang alas-2:10 ng hapon nuong Miyerkules. Ang dalagita ay ini-lagay sa isang protective custody at hindi naman napinsala, ayon sa mga pulis.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund