Isang ospital sa Japan ang nagka-mali ng pag-bigay ng bakuna

Ang Alkalde ng Lungsod na si Mayor Masashi Komurasaki ay nag-palabas ng utos na kina-kailangan na suriin mabuti at magsa-gawa ng hakbang upang ito ay hindi na muli pang mangyari, ani nito nuong May 12.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Ang pinuno ng Ikoma City na si Kiyoshi Endo nasa gitna at dalawa pang staff ay humingi ng paumanhin sa isang press conference nuong ika-12 ng Mayo, 2021 dahil sa mixed up Covid-19 vaccine na insidente sa Nara Prefecture.

IKOMA, Nara — isang indibidwal mula sa isang grupo ng pagba-bakuna ng coronavirus noong Abril na binubuo ng 54 katao,  kasama ang mga propesyonal sa medisina at mga taong may edad na 85 anyos o higit pa ay aksidenteng binigyan ng isang shot na naglalaman lamang ng solusyon sa asin o (saline solution), inihayag ng isang pampublikong ospital dito nuong Mayo 12.

Ikoma City Hospital sa western Japan ay nagsa-gawa ng press conference upang humingi ng paumanhin sa nagawang kamalian. Sinabi rin dito na wala naman masamang epekto sa kalusugan ng inineksyonang indibidwal ang nasabing solusyon.

Ayon sa ospital, isina-gawa sa kanilang komyunidad ang bakuna sa pagitan ng oras ng alas-2:00 ng hapon at alas-4:00 ng hapon nuong April 28. Ang plano ay gamitin ang saline solution upang tunawin ang 9 na vials ng bakuna ng U.S. pharmaceutical company Pfizer Inc. at ilipat ang mixture sa 54 syringes para mai-inject.

Ngunit habang nasa proseso, natagpuan ng isang nurse ang isang vial ng Pfizer na hindi nagamit, sinuri niya ang mga syringes at napag-alaman na anim dito ay nag-lalaman ng saline solution lamang. Bilang resulta, ang mga ito ay inalis at muling inayos upang lagyan ng bakuna. Ipinagpa-tuloy ang pag-babakuna, ngunit matapos ang pag-bibigay ng bakuna, mayroon pa rin na natirang isang ineksyon na naglalaman ng bakuna.

Limang nurse ang itinalaga upang gawin ang preperasyon at pag-iineksyon nuong araw na iyon. Susuriin ng ospitala ang mga antibody levels nang mga nabakunahan ng grupo nuong Abril, at ang indibidwal na may mababang level ng antibody ay muling babakunahan.

Nuong press conference na ginanap nuong May 12, sinabi ni hospital director Kiyoshi Endo na “Lumalabas na ang inalis na syringe na nag-lalaman lamang ng saline solution ay aksidenteng naibalik muli sa mga syringes na nag-lalaman na ng bakuna, at ito ay nai-bakuna sa isang indibidwal.”

Ang Alkalde ng Lungsod na si Mayor Masashi Komurasaki ay nag-palabas ng utos na kina-kailangan na suriin mabuti at magsa-gawa ng hakbang upang ito ay hindi na muli pang mangyari, ani nito nuong May 12. “Itong hindi katanggap-tanggap na insidente ay nag-dala ng matinding pag-aalala at abala, at ako ay huhihingi ng paumanhin sa mamamayan ng lungsod na ito at ang mga taong nasangkot sa nasabing insidente.”

Source and Image: The Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund