Torch relay sa Osaka, dapat ikansela

Nais din ng gobernador na simulan ang pakikipag-usap sa lungsod ng Osaka at mga organizing committee ng Olympics na kanselahin ang segment ng torch relay sa lungsod ngayong ika-14 ng Abril.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspTorch relay sa Osaka, dapat ikansela

Ipinahayag ng gobernador ng Osaka na dapat ikansela ang Olympic Torch Relay sa kapitolyo ng prepektura, kung saan nais niyang magsa-gawa ng mas istriktong hakbang laban sa coronavirus upang maiwasan ang sanga-sangang pag-kalat ng mga kaso ng impeksyon.

Nag-salita sa mga mamamahayag si Yoshimura Hirofumi nitong Huwebes na plano ng sentrong pamahalaan na italaga ang prepektura ng Osaka na kailangang mag-focused sa hakbang laban sa coronavirus nang isang buwang simula ngayong susunod na Lunes.

Ang pagta-talaga ay mag-bibigay sa gobernador na maka-gawa ng hakbang laban sa virus nang hindi magdedeklara ng state of emergency sa mga ispesipikong munisipalidad sa loob ng prepektura.

Sinabi pa ni Yoshimura na kapag naging opisyal ang nasabing pagpapa-talaga, siya ay magsasa-gawa ng matinding hakbang laban sa virus sa lungsod ng Matsusaka at sasabihan ang mga residente na iwasang gawin ang mga bagay na hindi esensyal.

Idinagdag rin nito na nais niyang simulan ang pakikipag-usap sa lungsod ng Osaka at mga organizing committee ng Olympics na kanselahin ang segment ng torch relay sa lungsod ngayong ika-14 ng Abril.

Ngunit, hinahangad ni Yoshimura na matuloy ang torch relay na naka-iskedyul sa ibang parte ng prepektura sa ika-13 at ika-14 ng Abril tulad nang  naisa-plano.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund