PM Suga, umapela sa (3C’s) sa kabataan sa Twitter

"3 Cs--" closed spaces (kulob na mga lugar), crowded places (mataong lugar), at close-contact setting (malapitang pakiki-salamuha sa mga tao).

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
&nbspPM Suga, umapela sa (3C's) sa kabataan sa Twitter
Prime Minister Yoshihide Suga

Ginamit ni Punong Ministro Suga Yoshihide ang kanyang opisyal na Twitter account upang manawagan sa mga kabataan upang sundin ang anti-coronavirus measures ng bansa.

Binati at pinuri ng Suga ang mga bagong mag-aaral at mga empleyado sa pamamagitan ng isang tweet nuong Huwebes, ang unang araw ng pag-pasok sa mga paaralan at mga negosyo ng karamihan dito sa Japan.

Isinulat niya na naaalala niya nuong una siyang nag-punta sa Tokyo mula sa hilagang prepektura ng Akita na may magka-halong emosyon ng pagka-lungkot at pangamba mahigit 50 taon na ang nakalilipas.

Sinabi niya rin na alam niyang may mga taong nakararanas ng pag-hihirap sa gitna mg patuloy na epekto ng pandemiyang dala ng coronavirus. Sinabi pa nito na, gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya upang ang lahat at makapag-aral at makapag-trabaho ng maayos at walang pangamba.

Nananawagan si Suga sa mga kabataan na patuloy sundin ang mga hakbang laban sa virus sa pamamagitan ng patuloy na pag-suot ng masks, pag-huhugas ng kamay at pag-iwas sa “3 Cs–” closed spaces (kulob na mga lugar), crowded places (mataong lugar), at close-contact setting (malapitang pakiki-salamuha sa mga tao).

Sinulat rin ng Punong Ministro na nais niyang gumawa ng hakbang upang maproteksyonan ang kanilang mga sarili pati na rin ang kanilang mga pamilya, kaibigan at mga taong importante sa kanila.

Nangako si Suga na susugpuin ang virus sa lalong madaling panahon at siya ay nangangakong protektahan ang mga buhay ng tao at mga pangka-buhayan ng mga ito.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund