Patuloy pa rin ang karahasang dinaranas ng mga Asyano sa America

Ang mga video na ipi-nost sa social media ay nakitang mayroong mga taong naka-kita sa insidente ngunit hindi man lamang tinulungan ang babae at ito ay nag-dulot ng sobrang kritisismo.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspPatuloy pa rin ang karahasang dinaranas ng mga Asyano sa America

Patuloy na tumataas ang karahasang ang dinaranas ngayon ng mga Amerikanong may lahing Asyano sa Estados Unidos.

Isang 65 anyos na Asian-American na ginang ang nag-tamo ng pinsala sa New York City nuong Lunes matapos siya sugirin bigla ng isang lalaki. Makikita sa video na kuha mula sa security camera na ilang beses na piang-tatadyakan ng lalaki ang ginang matapos itong matumba mula sa pagkaka-tulak nang lalaki. Nag-bitaw rin ng mga anti-asian na salita ang lalaki.

Sinabi ng Hate Crime Force ng New York City Police Department na inaresto nila ang isang 38 anyos na lalaki nuong Miyerkules at kasalukuyang nahaharap sa kasong felony assault bilang hate crime.

Ang mga video na ipi-nost sa social media ay nakitang mayroong mga taong naka-kita sa insidente ngunit hindi man lamang tinulungan ang babae at ito ay nag-dulot ng sobrang kritisismo. Isa rito ay makikitang isinarado pa ang pinto habang nag-lakad na ng palayo ang lalaking nang asulto.

Nuong ika-16 ng Marso, isang 21 anyos na lalaki ang namaril at pumatay sa 8 katao sa southern state ng Georgia. Anim sa walong biktima ay may lahing Asyano. Ini-imbestigahan pa ang motibo ng suspek.

Binisita naman ni Pangulong Joe Biden at Vise Pangulong Kamala Haris ang Georgia matapos ang trahedya. Sa isang talumpati, kinondena nila ang mga hate crimes at tinuligsa ang racism laban sa Asian Americans.

Ayon sa isang nonprofit organization na siyang sumusubaybay sa mga hate incidents laban sa mga Asyano sa Estados Unidos, mayroong higit sa 3,795 na mga kaso mag-mula nuong nakaraang taon hanggang Pebrero nitong taon.

Isang pag-aaral na isina-gawa ng Center for the Study of Hate and Extremism sa California State University sa San Bernardino, ang nag-hayag na ang hate crimes laban sa mga Asian Americans ay tumaas ng halos 2.9 na beses mula 49 insidente nuong 2019 hanggang sa naging 122 nitong taong 2020.

Kung titignan sa mga lungsod, ang mga insidente sa New York ay tumaas ng mahigit 9 na beses habang ang bilang naman sa Philadelphia, Pennsylvania, Cleveland at Ohio ay nag-triple ang bilang. Ang mga insidente sa Los Angeles, California ay mahigit na sa doble. Ayon sa center ito ay patuloy na nangyayari hanggang sa kasalukuyan.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund