Isang Buddhist priest arestado sa kasong attempted murder matapos magpaharurot ng sasakyan na may nakasampang babae sa hood

Ang pulisya sa Kasama, Ibaraki Prefecture ay inaresto ang isang 78-taong-gulang na Buddhist priest sa kasong tangkang pagpatay matapos na pinatakbo ang kanyang sasakyan kasama ang isang babaeng nakakapit sa hood. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspIsang Buddhist priest arestado sa kasong attempted murder matapos magpaharurot ng sasakyan na may nakasampang babae sa hood

IBARAKI

Ang pulisya sa Kasama, Ibaraki Prefecture ay inaresto ang isang 78-taong-gulang na Buddhist priest sa kasong tangkang pagpatay matapos na pinatakbo ang kanyang sasakyan kasama ang isang babaeng nakakapit sa hood.

Ayon sa pulisya, naganap ang insidente dakong alas-12: 30 ng hapon. Linggo sa National Route 355, iniulat ng Fuji TV. Sinabi ng pulisya na ang insidente ay nagmula sa isang pagtatalo sa trapiko. Si Kansho Tashiro, ang punong pari sa isang dambana sa Kasama City, at isa pang sasakyan na may sakay na dalawang kababaihan, ay nagmamaneho sa Joban Expressway nang magkaroon ng gulo ang dalawang panig.

Pinahinto nila ang kanilang mga sasakyan malapit sa Ishioka-Omitama Smart Interchange. Isang 30 taong gulang na babae ang bumaba sa kanyang sasakyan habang si Tashiro ay nanatili sa kanyang sasakyan. Matapos ang isang pagtatalo, nagsimulang umandar ng sasakyan si Tashiro ngunit ang babae ay tumayo sa harap ng sasakyan niya at pagkatapos ay sumakay sa hood.

Nagmaneho si Tashiro ng halos 960 metro, kabilang ang biglaang paghinto at paulit-ulit na pag gewang gewang ng sasakyan upang mapatalsik ang babae, habang kumapit naman ng mahigpit ang babae sa hood. Ang babae ay hindi naman nagtamo ng sugat sa insidente.

Ang kasamahan ng babae sa isang sasakyan na siyang driver ay tumawag sa 110.

Sinabi ng pulisya na si Tashiro ay umamin sa bintang sa kanya ngunit iginiit niya na wala naman siyang intensyon na patayin ang babae.

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund