1 sa loob ng 4 na kababaihan ay nakararanas ng domestic violence sa Japan

Halos 18 porsyento ng mga kababaihan ang nag-sabi na naramdaman nilang nasa peligro ang kanilang buhay.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbsp1 sa loob ng 4 na kababaihan ay nakararanas ng domestic violence sa Japan

Isang survey na isinagawa ng pamahalaan ng Japan na isa sa loob ng apat na kababaihan at isa sa loob ng limang kalalakihan ang nakararanas ng domestic violence mula sa kanilang mga asawa.

Nagsa-gawa ng isang survey ang Cabinet Office ukol sa domestic violence at sexual assault nuong Nobyembre at Disyembre sa mahigit na 5,000 kalalakihan at kababaihan na nag-eedad ng 20 pataas. 3,438 ang sumagot sa survey.

Tinanong nito ang mahigit 2,591 katao na may asawa o may-kasintahan kung silavay nakaranas ng dometic violence mula sa kanilang mga partner.

Lumabas sa resulta ng survey na 25.9 porsyento ng kababaihan at 18.4 porsyento ng kalalakihan ang sumagot ng isa o dalawang beses at ang iba ay nag sabi na maraming beses.

Kasali sa mga nakaranas ng domestic violence, 41.6 porsyento ay kababaihan at 57.1 porsyento ng kalalakihan ay nag-sabi na wala silang pinag-kunsultahan ng kanilang pinag-daanan.

Halos 18 porsyento ng mga kababaihan ang nag-sabi na naramdaman nilang nasa peligro ang kanilang buhay.

Sinabi ng mga opisyal sa gabinete na ang patuloy na pag-taas ng bilang ng nasabing insidente ay nagpapa-kita lamang na kailangan na nila na gumawa ng isang sistema na maaaring gawing madali ang maka-kuha ng consultation services.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund