Hot spring resort nag-display ng mga Girls Festival Dolls

Ang mga manika ay mananatiling naka-display hanggang ika-3 ng Abril.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspHot spring resort nag-display ng mga Girls Festival Dolls

Ang mga pigura ng mga manika upang ipagdiwang ang Araw ng mga Batang babae tuwing ika-3 ng Marso taon-taon ay naka-exhibit sa isang hot spring resort sa Tottori, western prefecture sa Japan.

Para sa tradisyon na pagdiriwang, ang mga mamamayan sa buong bansa ay nag-lalagay ng “Hina” na manika na naka-damit pang-maharlika at naka-upo sa isang red-carpet altars upang ipanalangin ang malusog na pag-laki ng mga batang babae.

Tuwing darating ang panahong ito, inilalagak ng mga tradisyonal na inns, pasilidad at papular na hot spring area sa Misasa Town ang mga manika.

Isang gallery ang ipinapa-kita ang mga mamahaling manika sa isang 11 tier platform kabilang ang mga naka-tutuwang mga paper dolls gawa ng mga batang mag-aaral sa nursery.

Ang inn na ginawa 100 taon na ang naka-lilipas ay i-dinisplay ang mga manika na naka-lagay sa 7 tier platform na napapa-ligiran ng mga ornamentong tinahi ng mga lokal na mamamayan.

Hangad ng event organizer na matutuwa sa kanilang bakasyon ang mga bumisita sa Misasa, kahit na maraming negosyo ang nasuspende dahil sa impact ng pandemiya.

Ang mga manika ay mananatiling naka-display hanggang ika-3 ng Abril.

Source: NHK World Japan

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund