Epekto sa mga aktibidad ng panukala para sa mga matatandang nananatili sa kanilang tahanan

Importanteng mayroong ligtas na lugar para sa mga tao na magkita-kita at makapag-usap usap sa mga lokal na komyunidad.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspEpekto sa mga aktibidad ng panukala para sa mga matatandang nananatili sa kanilang tahanan

 

Ang hakbang laban sa coronavirus na pananatili sa bahay ay naka-sasama sa kalusugan ng mga senior citizens, ayon sa isang Japanese survey.

Ang University of Tsukuba at anim pang munisipalidad ay nakapag-survey sa mahigit 8,000 katao. Isa sa limang septuagenarians ang nag-sasabi na sila ay lumalabas isang beses kada linggo o hindi talaga lumalabas ng kanilang bahay. Ang bilang na iyan ay dumoble para sa mga taong nag-eedad ng 90`s, at halos 50 porsyento ang nag-sabi na sila ay hindi talaga lumalabas ng kanilang bahay o isang beses lang sa isang linggo.

Ang 95 anyos na si Ohara Yoshihiro ay isa sa mga apektadong mamamayan, kung saan ang kanyang lingguhang ehersisyo ay sinuspinde sanhi ng pandemiyang dala ng coronavirus. Paminsan-minsan ay nahihirapan siyang igalaw ang kanyang mga binti, at sa ngayon ay hindi naka-lalakad nang walang gamit na baston.

Sinabi nito na “Hindi mo nga napapansin na pahirap na ng pahirap ang pag-galaw. At ngayon ikaw ay nasa sitwasyon na hindi ka na maka-galaw dahil ito ay lumalala, ang ang sanhi ng pag-lala nito ay dahil sa hindi mo pag-galaw.”

Sinabi ng 87 anyos na si Saito Kazuko na siya ay halos buong araw na namamalagi sa loob ng kanyang tahanan at walang kausap dahil tumigil ang kanyang choir group nuong nakaraang Marso. Sabi niya na siya ay nahihirapan sa kanyang pagiging makakalimutin.

“Isusulat ko sa isang papel ang aking mga bibilhin at ilalagay ko sa aking tabi ang aking pitaka, at habang papunta na ako sa pamilihan bigla ko na maaalala na hindi ko nadala ang aking pitaka. Ito ay naiwan ko pala sa bahay.” ani ng ginang.

Sa isina-gawang survey, 30 porsyento ng tao na lagpas 60 na ang edad ay nag-aalala na sa kanilang memorya.

Si Kuno Shinya, isang propesor sa University of Tsukuba na siyang nagsa-gawa ng survey ay nag-sabi na ang kakulangan sa ehersisyo at kakulangan sa pakikipag-salamuha ay maaaring mag-sanhi sa pag-bagsak ng cognitive function. Idinagdag niya rin na importanteng mayroong ligtas na lugar para sa mga tao na magkita-kita at makapag-usap usap sa mga lokal na komyunidad.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund