Bell na natangay nuong March 11 na Tsunami, idinis-play

Sana ay maa-alaala ng mga tao ang nangyaring sakuna kapag narinig nila ang tunog ng kampana.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspBell na natangay nuong March 11 na Tsunami, idinis-play

Isang monumento ang itinayo para sa bell na inanod mula sa March 2011 na Tsunami sa beach sa northeastern Japan bilang pag-alala sa ika-10 anibersaryo nang nasabing sakuna.

Mahigit 30 katao ang dumao sa seremonyang isinagawa nuong Linggo sa beach ng Shichigahama, Miyagi Prefecture.

Ang “Kibo no Kane”, o bell of prayer and hope ay may laki ng 50 cm. Ito ay bell o kampana ng lungsod. Ito ay inanod nang nagkaroon ng Tsunami at ito ay itinabi sa isang kainan at iba pang mga lugar sa lungsod matapos ang sakuna.

Nag-dasal ang mga dumalo sa seremonya para sa mga naging biktima habang ang mga pari sa mga templo sa coastal areas ng Miyagi at Iwate Prefecture ay nagsa-gawa ng mga sutra.

Si Kubota Yasuaki na siyang nangangalaga sa kampana ay nag-sabi na napa-ayos ang lugar sa tulong ng mga suporta ng maraming tao na tumulong sa pag-lilinis. Sinabi pa nito na sana ay maa-laala ng mga tao ang nangyaring sakuna kapag narinig nila ang tunog ng kampana.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund