Patuloy pa rin ang sunog sa Ashikaga

Sinabi ng mga opisyal na kontrolado na nila ang apoy kung kaya't hindi na ito kakalat sa mga katabing residential areas. 

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspPatuloy pa rin ang sunog sa Ashikaga

Nahihirapan ang mga bombero na sugpuin ang forest fire na nagaganap sa lungsod ng Ashikaga, sa hilagang bahagi ng Tokyo, ito ay patuloy na nasusunog at umabot na ng isang linggo. Inaasahan na magpapa-tuloy ang dry conditions na panahon sa mga susunod pang mga araw.

Isang sunog ang naganap nuong Linggo sa southwestern Tochigi Prefecture. Ayon sa mga opisyal mahigit 106 hektaryang lupain na ang nasunog nuong dakong ala-6:00 ng hapon nuong Biyernes at ito ay patuloy pa rin na nasusunog.

Nuong Biyernes, nag-spray ng tubig sa himpapawid ang mga helicopter ng Self-Defense Force habang ang mga bombero naman ay sinusugpo ang apoy sa kalatagan.

Ayon sa mga opisyal ng lungsod, wala umanong na i-ulat na napinsala sa nasabing insidente, ngunit isang Shinto Shrine sa tabi ng bundok na gawa sa kahoy ang napukaw umano ng apoy.

Nag-issue nang pani-bagong evacuation advisory ang lungsod para sa mahigit na 100 kabahayan nitong Biyernes ng umaga. Mahigit 300 kabahayan ang sinabihan na lisanin ang lugar.

Sinabi ng East Nippon Expressway Company na ang mga seksyon ng kanilang expressway na malapit sa lugar na nasusunog ay pansamantalang i-sinarado.

Nag-issue ng dry air advisory ang opisyal ng local weather sa nasabing prepektura sa pang ika-11 araw nito nuong Biyernes, at nag-sabi din sila na maaaring hindi pa umulan hanggang sa susunod na linggo.

Sinabi ng mga opisyal na kontrolado na nila ang apoy kung kaya’t hindi na ito kakalat sa mga katabing residential areas.

Inaasahan nila na makaka-pasok na sa fire area ang mga bombero ngayong Sabado. Ang mga ito ay inaasahang pukawin ang mga nag-liliyab na apoy at alisin ang mga nasunog nang mga puno.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund