NAGTALA ANG TOKYO NG 213 MGA BAGONG KASO NG CORONAVIRUS INFECTIONS , ANG NATIONAL TALLY SA KASALUKUYAN AY NASA 917

Ang bilang ay kinabubuuan ng (111 kababaihan at 102 kalalakihan) na resulta ng 1,544 na tests na isinagawa noong Pebrero 21.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspNAGTALA ANG TOKYO NG 213 MGA BAGONG KASO NG CORONAVIRUS INFECTIONS , ANG NATIONAL TALLY SA KASALUKUYAN AY NASA 917

TOKYO- Ang Tokyo Metropolitan Government ay nag-tala ng 213 bagong mga kaso ng coronavirus nitong Miyerkules na bumaba ng 62 mula noong Martes.

Ang bilang ay kinabubuuan ng (111 kababaihan at 102 kalalakihan) na resulta ng 1,544 na tests na isinagawa noong Pebrero 21.

Ang bilang ng mga infected na tao na may edad 60 pataas ay nasa 71.

Ang bilang ng mga taong may impeksyon na nasa ospital at may malubhang sintomas sa Tokyo ay nasa 69, bumaba ng walo mula Martes, ayon sa mga health officials. Ang nationwide figure ay nasa 487.

Sa buong bansa, ang bilang ng mga naiulat na kaso ay umabot sa 917. Matapos ang Tokyo, ang mga Prepekturang may pinakamaraming kaso ay Chiba (127), Kanagawa (93), Osaka (62), Saitama (59), Ibaraki (58), Aichi (46), Hokkaido (43), Fukuoka (26) at Shizuoka (26).

Ang bilang ng mga kamatayang nauugnay sa coronavirus ay naiulat sa 69 sa buong bansa.

source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund