DELIVERYMAN NG UBER EATS , ARESTADO SA “HIT-AND-RUN”

Sa kanyang pagka-aresto, mariing itinanggi ni Kato ang mga alegasyong kanyang hinaharap, "Wala akong memorya sa aksidente na nagaganap," aniya ng suspek.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

KANAGAWA – Inaresto ng Kanagawa Prefectural Police ang isang deliveryman ng online food service na Uber Eats dahil sa isang hit-and-run na insidente sa Lungsod ng Yokosuka noong nakaraang buwan kungsaan nagtamo ng serious injury ang isang matandang baabae, ulat ng Nippon News Network (Pebrero 17).

Noong Enero 4, nasagasaan umano ni Ryo Kato, 32, ang babae, 86, ng kanyang motorsiklo sa tawiran patungo sa kalsada sa lungsod malapit sa Yokosuka-Chuo Station, kungsaan matapos ay tumakas ang nasabing drayber sa pinangyarihan ng aksidente.

Isang Uber Eats delivery man ang nakasagasa umano sa isang matandang babae sa Yokusuka City nuong nakaraang buwan. Twitter

Ang matandang babae ay nagtamo ng bali sa kaliwang binti na mangangailangan ng halos tatlong buwan na pagpapagaling, ayon sa mga pulis.

Sa kanyang pagka-aresto, mariing itinanggi ni Kato ang mga alegasyong kanyang hinaharap, “Wala akong memorya sa aksidente na nagaganap,” aniya ng suspek.

Sa oras ng insidente, si Kato ay magdi-deliver para sa Uber Eats. Naging person of interest siya matapos mahagip sa footage ng CCTVang kanyang Square Delivery backpack.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund