BABAE,40, PATAY SA AVALANCHE HABANG NAG-SNOWBOARDING

Ang biktima na si Takashita ay nag-snowboarding kasama ang tatlong mga kaibigan sa isang steep slope sa labas ng controlled area ng ski resort.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
&nbspBABAE,40, PATAY SA AVALANCHE HABANG NAG-SNOWBOARDING
Japan ambulance

AOMORI- Isang 40 taong gulang na babae ang namatay matapos matabunan sa isang avalanche habang snowboarding sa isang ski resort sa Hakkoda Mountains malapit sa Lungsod ng Aomori noong Linggo.

Ayon sa mga opisyal, si Makiko Takashita, isang empleyado ng kumpanya mula sa Shinagawa Ward ng Tokyo, ay natabunan ng mag-avalanche dakong 1:00 ng hapon, iniulat ng Fuji TV. Nahukay siya ng mga rescuers mula sa ilalim ng halos 1.5 metro ng niyebe makalipas ang 90 minuto. Dinala siya sa ospital kung saan siya ay binawian ng buhay.

Sinabi pa ng mga pulis, na bago ang avalanche, si Takashita ay nag-snowboarding kasama ang tatlong mga kaibigan sa isang steep slope sa labas ng controlled area ng ski resort.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund