3 arestado sa pag smuggle ng illegal drugs na itinago sa Snow white dwarf dolls

Isang Malaysian national at dalawang anak na babae ang inaresto dahil sa pagtatangkang ipuslit ang ilegal na droga sa Japan sa pamamagitan ng pagpapadala ng package at pagtago ng drugs sa mga ceramic dolls ng character mula sa Disney film na "Snow White at the Seven Dwarfs" #PortalJapan See More ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbsp3 arestado sa pag smuggle ng illegal drugs na itinago sa Snow white dwarf dolls

TOKYO

Isang Malaysian national at dalawang anak na babae ang inaresto dahil sa pagtatangkang ipuslit ang ilegal na droga sa Japan sa pamamagitan ng pagpapadala ng package at pagtago ng drugs sa mga ceramic dolls ng character mula sa Disney film na “Snow White at the Seven Dwarfs,” sinabi ng pulisya at source.

Kinumpiska ng awtoridad ng Japan ang mga stimulant drugs, na tumitimbang ng humigit-kumulang na 6 kilo at tinatayang mayroong street value na humigit-kumulang 384 milyong yen, na itinago sa dwarf at apple ceramics.

Naniniwala sila na si Wong Siewmin, 53, ang kanyang panganay na anak na si Chinatsu Ebisawa, 36, at ang kanyang pangatlong anak na babae, 18, na ang pangalan ay itinago dahil siya ay menor de edad, na ginamit ang postal courier service upang maipatupad ang kanilang drug smuggling scheme.

Ang mga ceramic dwarf dolls ay dumating sa paliparan ng Narita Airport sa Chiba Prefecture noong Peb. 6. Natagpuan ng mga opisyal ng Customs ang mga drugs na itinago sa 10 sa kanila makalipas ang dalawang araw, at pinalitan ng mga customs ang laman ng dummy upang maipagpatuloy na malaman at mahuli ang mga sangkot sa kaso.

Ang tatlo, lahat ay mga residente ng Chiba Prefecture, ay tinanggap ang mga ceramic dolls pagdating ng takyubin sa kanilang bahay noong Sabado, sinabi ng pulisya.

Hinuli on the spot ang mga tumanggap ng package.

Inamin ni Wong ang pagpupuslit ng droga, ayon sa kanya napag utusan lamang siya na tanggapin ang package at makatanggap siya ng kumisyon na 2.4 milyong yen bilang gantimpala sa pagpapalusot ng droga.

Ngunit hindi naman umamin ang mga anak na babae sa mga paratang, ayon sa kanila wala silang kinalaman sa mga nilalaman ng package, idinagdag ng pulisya.

© KYODO

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund