2 high school na babae, kasama sa pina-niniwalaang group suicide

Natagpuang naka-park ang sasakyan sa lungsod ng Moroyama habang umaandar pa ang makina.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
&nbsp2 high school na babae, kasama sa pina-niniwalaang group suicide
Japan ambulance

SAITAMA (TR) – nagsa-gawa ng imbestigasyon ang Saitama Prefectural Police matapos matagpuan ang tatlong katao na wala ng buhay sa loob ng isang sasakyan sa distrito ng Iruma nuong Huwebes, mula sa ulat ng Nippon News Network (Feb. 25).

Bandang pasado alas-2:00 ng hapon, natagpuang naka-park ang sasakyan sa lungsod ng Moroyama habang umaandar pa ang makina.

Nakita ang mga sunog na uling na natagpuan din sa loob ng sasakyan kasama ng mga nasawi. Sinabi rin ng mga pulis sa Iruma Station na ang mga bintana ng sasakyan ay naka-tape.

Pinaniniwalaan ng mga pulis na ang tatlo, 2 babaeng high school students, nag-eedad na 16 at 17 anyos at ang 50 anyos na lalaki ay naka-langhap ng usok ng carbon monoxide mula sa mga uling.

Ayon sa mga pulis, base sa isang liham na natagpuan sa lugar ng pinangyarihan, pinaniniwalaang ang tatlo ay nagpa-tiwakal.

Source: Tokyo Reporter

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund