LALAKI,39, ARESTADO SA PAGPATAY SA KANYANG INA AT KAPATID NUONG BISPERAS NG BAGONG TAON

Kusang sumuko si Shin Honda sa kapulisan at tahasang inamin ang pananaksak niya sa kanyang ina at kapatid.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

CHIBA- Inaresto ng mga awtoridad ng Chiba Prefectural Police ang isang lalaki, 39, walang trabaho, sa salang pagpatay sa kanyang sariling ina at nakakatandang kapatidd na babae sa bahay ng kanilang magulang sa Lungsod ng Nagareyama noong Disyembre 31.

Kusang sumuko si Shin Honda sa kapulisan at tahasang inamin ang pananaksak niya sa kanyang ina at kapatid, iniulat ng Fuji TV.
Ayon sa mga imbestigador, isinalaysay ni Honda sa kanila ang krimen kung saan umano niya nasaksak ang kapatid na si Fumi,
42, at ang kanilang ina na si Ikuko,72, dakong 8:35 ng gabi.
Si Fumi ay naninirahan sa Taito Ward, Tokyo, at dumalaw lamang sa kanilang ina at kapatid nuong pista opisyal sa Bisperas ng Bagong Taon.

Matapos maisagawa ang krimen, tumawag ng 110 upang humingi ng tulong at ambulansiya. Bandang 11:00 ng gabi, sumuko ang suspek sa isang kalapit na Koban (Police Box). Ayon sa mga pulis, sinaksak nito ang kanyang sarili sa bandang leeg at naglaslas din ito diumano.
Samantalang, nagtamo ng mga saksak sa likod ang kanyang ina at kapatid na naging dahilan ng kanilang pagkamatay.

Si Honda, ay nasa ospital mula nang maganap ang insidente, at naaresto matapos madischarge mula sa ospital noong Martes.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund