KINANSELA NG SENDAI HIGH SCHOOL ANG PAGKUHA NG ENTRANCE EXAMS DAHIL SA CORONAVIRUS

"Sa stage kung saan hindi namin matatanggal ang posibilidad ng impeksyon, siniguro namin ang kalusugan at kaligtasan pati na rin ang estado ng pag-iisip ng aming mga aplikante na aming pangunahing priyoridad," sinabi ni Seiichi Matano, punong-guro ng paaralan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

SENDAI -Kinansela ng isang pribadong high school sa hilagang-silangan ng Japan ang pagkuha ng entrance exam isang araw bago ito ganapin bilang “isang hakbang sa pang-iwas” habang hinihintay ang mga resulta ng mga pagsusuri sa coronavirus na kinuha ng ilan sa mga mag-aaral nito, na kalaunan ay naging negatibo, pahayag ng paaralan noong Sabado.

Ang Furukawa Gakuen Senior High School sa Osaki, Prepektura ng Miyagi, ay nag-abiso sa 890 na mga aplikante, na naka-iskedyul na kumuha ng mga pagsusulit sa limang lokasyon noong Sabado, ng pagkansela sa pamamagitan ng email o sa pamamagitan ng kanilang mga junior high school noong nakaraang araw.

Ang desisyon ay nagawa pagkatapos ng maraming mag-aaral sa high school na kumuha ng polymerase chain test noong Huwebes. Ang mga resulta noong Sabado ay ipinakita na ang lahat ng mga mag-aaral ay negatibo.

“Sa stage kung saan hindi namin matatanggal ang posibilidad ng impeksyon, siniguro namin ang kalusugan at kaligtasan pati na rin ang estado ng pag-iisip ng aming mga aplikante na aming pangunahing priyoridad,” sinabi ni Seiichi Matano, punong-guro ng paaralan.

Ang pagpili ng 340 na mag-aaral ay ibabatay sa mga marka ng junior high school, at impormasyon sa club at iba pang aktibidad sa paaralan.

“Nagkaroon ng pagkalito ngunit walang naging mga pagtutol” sa bahagi ng mga aplikante, sinabi ng isang opisyal ng paaralan.

Lahat ng aplikante ay aware sa kanselasyon at walang nagpunta sa exam sites ng Sabado.

Ang Furukawa Gakuen ay kilala sa kanilang female volleyball team na nagwagi sa mga pambansang paligsahan.

Source: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund