Lalaki, pinaghahanap matapos ang pagnanakaw sa isang pachinko parlor

Tinutukan ng salarin ng kutsilyo ang dalawang empleyado at sinabing " Patayin ang security system".

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

SAITAMA – Kasalukuyang pinaghahanap ng Saitama Prefectural Police ang isang lalaki na diumano’y nagnakaw sa isang pachinko parlor sa Lungsod ng Saitama noong Martes, iniulat ng Asahi Shimbun (Disyembre 8).

&nbspLalaki, pinaghahanap matapos ang pagnanakaw sa isang pachinko parlor

Dakong 1:20 ng madaling araw, pinasok ng lalaki ang employee-entrance sa Arena, at tinutukan nito ng kutchilyo ang dakawang empleyado at sinabing ” Patayin ang security system”.

Matapos ay pinasok niya ang opisina at kinuha ang 8.9 milyong yen na cash mula sa safe at dalawang mga mobile phone bago tumakas, ayon sa Iwatsuki Police Station.

Ang mga empleyado ay hindi nasaktan, at isa sa kanila ang nag-report sa pulis matapos ang insidente.

Pinaniniwalaan na nasa edad 20 o 30, ang salarin ay dala-dalang isang itim na payong. Tinatayang may 175 sentimetro ang taas. Nakasuot ng itim na jacket at pantalon, at may takip ang mukha.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund