Suspect sa isang double murder, muling naaresto sa Prepektura ng Ibaraki

"Pinasok ko ang bahay upang magnakaw ng pera at anumang mahahalagang bagay na mayroon sila. Ngunit nang makita nila ako, pinatay ko sila. "

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
&nbspSuspect sa isang double murder, muling naaresto sa Prepektura ng Ibaraki
Police Siren

IBARAKI – Inaresto muli ng Ibaraki Prefectural Police ang suspek sa pagpatay sa isang 59 taong gulang na lalaki at ang 89 taong gulang na ama nito sa kanilang tahanan sa Lungsod ng Hitachiota noong nakaraang buwan.

Si Koji Sekine, 48, ay una nang naaresto dahil sa pagkakasaksak kay Kunio Nemoto, ang may-ari ng isang sales company para sa office automation equipment, noong Oktubre 27, iniulat ng Sankei Shimbun. Si Sekine ay isang empleyado ng kumpanya at isinagawa ang krimen sa pagitan ng 7 hanggang 7:45 ng umaga sa tahanan ng biktima, na siya ding tanggapan ng opisina.

Noong Martes, sa bisa ng pangalawang warrant of arrest laban kay Sekine sa salang pagpatay sa ama ni Nemoto na si Noboru. Sinabi ng mga pulis na pinalo ni Sekine si Noboru ng maraming beses sa ulo gamit ang isang wrench at sinaksak siya sa dibdib at tiyan.

Sinabi ni Sekine sa mga pulis “Pinasok ko ang bahay upang magnakaw ng pera at anumang mahahalagang bagay na mayroon sila. Ngunit nang makita nila ako, pinatay ko sila. ”

Sinabi ng mga imbestigador na si Sekine ay nakapasok sa loob ng tahanan sa pamamagitan ng isang bukas na bintana at unang inatake si Noboru sa sala.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund