Lalaki naaresto, matapos sipain ang tiyan ng isang babae

Bahagyang itinanggi ng suspek ang akusasyon at sinabing, "Kahit na sinira ko ang kanyang cell phone, hindi ko siya sinipa sa tiyan."

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
&nbspLalaki naaresto, matapos sipain ang tiyan ng isang babae
Police Siren

OSAKA – Ang kapulisan sa Osaka ay inaresto ang isang 33 taong gulang na lalaki na hinihinalang nanakit sa isang kakilalang babae.

Ayon sa mga pulis, si Tsubasa Okada, na nagtatrabaho sa Sunagawa High School for Special Needs Education, ay nakipagtalo sa 20 taong gulang na babae, isang part-time na manggagawa, dakong 3:00 ng hapon. noong Lunes habang naglalakad sila sa isang kalye sa Naniwa Ward.

Kinuha ni Okada ang smartphone ng babae na itinapon ito sa kalsada at pagkatapos ay sinipa siya sa tiyan, iniulat ng Sankei Shimbun ang sinabi ng isang saksi. Ang lalaking nakasaksi sa nasabing pagtatalo ang tumawag sa kapulisan na sumugod sa pinangyarihan.

Dagdag pa ng mga pulis na si Okada ay bahagyang itinanggi ang akusasyon at sinabing, “Kahit na sinira ko ang kanyang cell phone, hindi ko siya sinipa sa tiyan.”

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund