Kalansay na labi ng tao, natagpuan sa Sho River

Isang mangingisda ang nag-tip sa kapulisan tungkol sa "kung ano ang tila isang taong lumulutang" sa Sho River.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspKalansay na labi ng tao, natagpuan sa Sho River

TOYAMA – Naglunsad ng imbestigasyon ang Toyama Prefectural Police matapos matagpuan ang isang bangkay ng lalaki sa isang ilog sa Takaoka City, iniulat ng Toyama Television (Nob. 18).

Dakong 10:10 ng umaga, isang mangingisda ang nag-tip sa kapulisan tungkol sa “kung ano ang tila isang taong lumulutang” sa Sho River.

Ang mga pulis na dumating sa lugar ng Tomiokamachi ay natagpuan ang mga labi sa pampang ng ilog.

Ayon pa sa mga pulis, ang lalaki ay tinatayang may halos 160 sentimetro ang taas. Ang katawan ay may suot ng dyaket, pantalon at itim na medyas.

Ang ulo at braso ng lalaki ay kalansay na , pahayag ng mga pulis.

Plano ng kapulisan na gamitin ang resulta ng awtopsiya na naka-iskedyul sa Huwebes upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay at kumpirmahin ang pagkakakilanlan ng lalaki.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund