Batang prostitute, “nagsilbi sa higit sa 300 kalalakihan”

57 katao pa ang mga naaresto sa isang nationwide crackdown laban sa prostitusyon ng bata.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

OSAKA – Ang Osaka Prefectural Police nitong Martes ay inaresto ang tatlong lalaki dahil sa pagbabayad umano sa isang batang babae na nasa high school para sa sex, ulat ng Kyodo News (Nob. 18).

Ayon sa mga pulis, si Masaaki Morimoto, isang 38 taong gulang na residente ng Higashi Ward ng Nagoya, at ang dalawa pang mga pinaghihinalaan, sa magkakahiwalay na okasyon ay binayaran ang batang babae, 17, upang makagawa ng malalaswang bagay.

Nitong Miyerkules, iniharap si Morimoto at ang dalawa pang mga suspek sa mga taga-usig dahil sa hinala na lumalabag sa Child Welfare Act at batas laban sa prostitusyon.

Aminado si Morimoto sa mga akusasyon sa kanya. Gayunpaman, mariin namang itinaggi ng dalawa pang suspek ang mga akusayon, ayon sa mga imbestigador.

Nag-aaral ang batang babae sa isang correspondence school. Nakilala siya ng mga suspek sa isang dating site para sa mga taong interesado sa enjo kosai, o compensated dating.

Sa pagtatanong ng mga imbestigador, sinabi ng dalagita, ” Nag-serve ako sa higit sa 300 kalalakihan.”

Ang tatlong pang pinaghihinalaan ay kabilang sa 57 katao na naaresto sa isang nationwide crackdown laban sa prostitusyon ng bata, dagdag pa ng mga pulis.

Source: Tokyo Reporter

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund