Batang lalaki, 11, tumalon sa isang gusali sa Kobe

Nakita sa kuha ng isang security camera ang batang lalaki na umaakyat sa hagdan ng anim na palapag na gusali patungo sa bubong.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

HYOGO – Pinaniniwalaan ng Hyogo Prefectural Police na isang batang lalaki sa elementarya ang tumalon sa kanyang kamatayan mula sa isang gusali sa Lungsod ng Kobe nitong Huwebes , ulat ng Kyodo News (Nob. 19).

Pasado hatinggabi na lamang, ang batang lalaki, 11, ay natagpuang nakahandusay at nasa kalagayan ng cardiac arrest sa bakuran ng isang senior citizen home sa lugar ng Kasugadai ng Nishi Ward.

Di nagtagal ito ay kinumpirmang namatay sa isang ospital, pahayag ng kapulisan.

&nbspBatang lalaki, 11, tumalon sa isang gusali sa Kobe
Isang bata ang pinaniniwalaang tumalon sa kanyang kamatayan mula sa isang gusali sa lungsod ng Kobe nitong Huwebes. (Twitter)

Base sa natagpuan na kuha ng security camera, kung saan nakita ang batang lalaki na umaakyat sa hagdan ng anim na palapag na gusali patungo sa bubong.

Ang isang pagsusuri sa lugar ay nagpakita ng mga palatandaan na may umakyat sa bakod na patungo sa bubong, dagdag pa ng mga pulis.

Ang bata ay nakatira malapit sa facility. Dakong 2:30 ng hapon. Nuong isang araw, umalis siya sa kanyang paaralan. Gayunpaman, wala siya sa bahay nang umuwi ang kanyang ina bandang alas-7:00 ng gabi.

Nang hindi ito umuwi , nag-report ang ama na nawawala ang bata sa mga pulis dakong 10:30 ng gabi.

Patuloy na iniimbestigahan ng kapulisan ang mga pangyayaring humantong sa insidente.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund