Batang babae, patay, matapos masagasaan ng rumaragasang tren

Ang batang babae, ay naka- uniporme na halitulad sa middle or high school, ay kumpirmadong namatay sa pinangyarihan ng insidente.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

CHIBA (TR) – Isang batang babae na mag-aaral ang nasagasaan ng tren at namatay sa istasyon ng tren sa Lungsod ng Chiba noong Martes, isang insidente ng pagpapakamatay , ulat ng Chiba Television Broadcasting (Okt. 27).

Dakong 2:40 ng hapon, ang batang babae ay walang pasubaling tumalon mula sa platform sa Nishi-Chiba Station patungo sa direksyon ng rumaragasang tren ng JR Sobu Line.

Ang batang babae, ay naka- uniporme na halitulad sa middle or high school, ay kumpirmadong namatay sa pinangyarihan ng insidente. Walang mga napinsala sa halos 350 mga pasahero ng tren, ayon sa mga opisyal ng Chiba-Chuo Police Station.

&nbspBatang babae, patay, matapos masagasaan ng rumaragasang tren

Batay sa mga nakalap na footage ng mga security camera na kuha sa istasyon, naniniwala ang kapulisan na sadyang kinitil ng batang babae ang kanyang buhay.

Kasalukuyang inaalam ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng batang babae.

Ayon sa sangay ng Chiba ng East Japan Railway Co., ang insidente ay nagdulot ng kabuuang 25 mga tren ang nasuspinde o naantala ang byahe ng hanggang 59 minuto, na naka-abala sa humigit-kumulang 11,000 na mga pasahero.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund