Bar Host, inakusahan ng pananakal

"Akala ko kung papatayin ko siya hindi ko siya magiging kasintahan," ani ng suspek

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOKYO – Inaresto ng Tokyo Metropolitan Police ang isang host ng bar dahil sa umano’y pananakal ng isang teenager na babae sa Lungsod ng Nishitokyo nitong nakaraang taon, iniulat ng Fuji News Network (Okt. 27).

Noong Agosto, 2019, gamit ang kanyang dalawang kamay, hinawakan at sinakal diumano ni Yunosuke Ano, 23, ang dalaga, na kasalukuyang kasintahan niya ng mga panahong iyon sa tirahan ng kaniyang kakilala.

Yunosuke Ano. (Twitter)

Ang batang babae, na noon ay 19, ay nagtamo ng pinsala kabilang na ang kanyang mukha, na nangailangan ng tatlong linggo upang magpagaling, pahayag ng kapulisan.

Sa pagka-aresto sa suspek sa salang Attemted Murder, inamin ni Ano ang pagkakasala. “Akala ko kung papatayin ko siya hindi ko siya magiging kasintahan,” salaysay ng suspek.

Ayon sa mga pulis, nakilala ng suspek ang dalaga matapos nitong tawagin sa kalye mga tatlong buwan bago ang insidente. Kunsaan nagsimula na silang magkarelasyon.

Sa araw ng insidente, nakarating siya sa kanilang tagpuan matapos niyang naising makipagtagpo sa loob ng 30 minutos. Kung saan binalak niyang makipaghiwalay na pinagmulan ng kanilang pagtatalo.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund