Babae, 48, naaresto matapos makatagpo ng kalansay sa tinitirahan nito sa Yokohama

"Natagpuan ko siyang patay sa loob ng futon noong Disyembre, ngunit hindi ako makalikom ng pera para sa isang libing," aniya.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

KANAGAWA – Inaresto ng mga pulis ng Kanagawa Prefectural Police ang isang 48 taong gulang na babae matapos na matagpuan ang isang bangkay sa kanyang tirahan sa Lungsod ng Yokohama noong Biyernes, ulat ng NHK (Oktubre 24).

Dakong 1:00 ng hapon, isang social worker ang nag-report sa kapulisan tungkol sa isang bangkay na nasa loob ng tirahan, na matatagpuan sa Irie area ng Kanagawa Ward.

Pagdating ng mga pulis sa crime scene ay kanilang natagpuan ang mga labi ng kalansay na pinaniniwalaan na ng isang nasa hustong gulang na lalaki na nakahimlay sa isang sofa.

&nbspBabae, 48, naaresto matapos makatagpo ng kalansay sa tinitirahan nito sa Yokohama

Nang gabing iyon, kinasuhan ng sangkapulisan si Hisae Sasaki, walang trabaho, ng abandoning a corpse. Sa interogasyon, sinabi niya na ang katawan ay ang kaniyang kasintahan.

“Natagpuan ko siyang patay sa loob ng futon noong Disyembre, ngunit hindi ako makalikom ng pera para sa isang libing,” aniya.

Ayon pa sa mga pulis, si Sasaki ay nag-aplay sa welfare. At nang bumisita ang social worker sa tirahan, sinabi niya, “Ang katawan ay ang kasintahan ko.”

Bilang karagdagan sa pagkukumpirma ng pagkakakilanlan ng bankay, ang kapulisan ay naghahangad na malaman ang mga pangyayari sa loob ng pagkamatay ng lalaki.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund