Mga biktima ng pagsabog ng Mt. Ontake , inalala

Ang mga nagdadalamhati ay nakaharap sa bundok at nag-alay ng isang sandali ng katahimikan sa 11:52 AM, ang eksaktong sandali ng pagsabog.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMga biktima ng pagsabog ng Mt. Ontake , inalala

Ang mga naulilang pamilya at iba pa ay nagtipon-tipon noong Linggo upang ipagluksa ang mga namatay sa pagsabog ng Mount Ontake sa gitnang Japan anim na taon na ang nakalilipas.

Ang pagsabog ay nag-iwan ng 58 patay na katao, at limang pang nawawala sa tanyag na destinasyon. Ito ang pinaka-grabeng kalamidad sanhi ng pagsabog ng bulkan sa Japan mula pa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ang isang memorial service ang inorganise ng mga taga-nayon ng Otaki sa Prepektura ng Nagano sa may paanan ng bundok. Ang mga nagdadalamhati ay nakaharap sa bundok at nag-alay ng isang sandali ng katahimikan sa 11:52 AM, ang eksaktong sandali ng pagsabog.

Limitado ang mga nakilahok ngayong taon sa mga naulilang pamilya at village officials dahil sa coronavirus. Walang naging speech ang mga miyembro ng pamilya, di tulad ng sa nagdaang mga taon.

Inibsan ng village ang mga paghihigpit sa pagpasok nito ngayong taon sa isang peak sa Prepektura ng Nagano na nanatiling nakasara para sa mga climbera.. Mayroon silang access sa parehong tuktok ng Mount Ontake sa panig ng Nagano, kabilang ang isa na muling binuksan dalawang taon na ang nakakaraan.

Ang mga shelters ay na-set up malapit sa parehong mga summit. Ngunit nahaharap pa rin ang mga lokal na awtoridad sa hamon ng pagtaas ng kamalayan sa mga umaakyat, at kung paano sila mabilis na lilikas sa kaso ng isa pang pagsabog.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund