Mag- kapatid na naaresto matapos mahanap ang bangkay ng ama

Hindi ipinahayag ng kapulisan kung umamin ang mga suspek sa mga paratang.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMag- kapatid na naaresto matapos mahanap ang bangkay ng ama

SHIZUOKA – Inaresto ng Shizuoka Prefectural Police ang dalawang magkapatid matapos matagpuan bangkay ang kanilang ama sa kanyang tirahan sa Lungsod ng Atami , ulat ng Yomiuri Shimbun (Setyembre 22).

Ang tirahan na pagmamay-ari ni Teruo Nagashima 75 taong gulang. Noong Sabado, isang kamag-anak ang bumisita at nakatagpo sa nabubulok na katawan sa loob ng bahay.

Nagsimulang magtanong ang kapulisan sa mga anak na lalaki ni Nagashima, 49 taong gulang na Haruji at 45 taong gulang na Koji, matapos malaman na regular silang bumibisita sa tirahan.

Noong Linggo, kinasuhan ng kapulisan ang magkapatid, na kapwa nakatira sa Lungsod ng Mishima, sa salang abandoning a corpse. Hindi ipinahayag ng kapulisan kung umamin ang mga suspek sa mga paratang.

Ayon pa sa kapulisan, namatay si Teruo noong Disyembre at pinaniniwalaang kinokolekta ng mga suspek ang kanyang pensiyon mula pa noong panahong iyon.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon upang kumpirmahin ang pagkakakilanlan ng katawan at alamin ang sanhi ng pagkamatay.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund