Lalaki, arestado sa pagpatay sa kanyang 71 taong gulang na ama

Arestado ang isang 41 taong gulang na lalaki sa salang pagpatay sa kanyang sariling ama sa loob kanilang tirahan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspLalaki, arestado sa pagpatay sa kanyang 71 taong gulang na ama

KANAGAWA- Ang kapulisan sa Samukawa, Prepektura ng Kanagawa nitong Sabado ay inaresto ang isang 41 taong gulang na lalaki sa salang pagpatay sa kanyang sariling ama sa loob kanilang tirahan.

Ayon sa ulat ng kapulisan, si Shinpei Oikawa , construction worker, ay umamin na kanyang pinukpok sa ulo at sa mukha ang kanyang ama na si Takao noong Setyembre 9 , at ng sumunod na araw, iniulat ng Sankei Shinbun.

At ang nakakatandang kapatid na babae ng suspek na naninirahan sa Prepektura ng Saitama ang tumawag sa istasyon ng pulis dakong 8:50 ng umaga noong Setyembre 10, kung saan kaniyang inilahad ang labis na pag-aalala na baka may kung ano ang nangyari sa kanyang ama at kapatid matapos hindi niya ma-contact ang mga ito.

Sa pag-bisita ng mga imbestigador sa bahay ni Oikawa , agad itong natagpuan na nakahiga sa isang kama, may mga pasa sa mukha at agad idineklarang patay sa crime scene.

Dagdag pa ng kapulisan na sinabi pa ng anak ni Oikawa na kinamumuhian niya ang kanyang ama sa loob ng maraming taon.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund