TOKYO
Ang eyeglasses ng Japanese artist na si Takahiro Shibata ay laging nagfo-fog dahil sa kanyang facemask, isang problemang pamilyar sa maraming mga naka-salamin sa panahon ng coronavirus pandemic.
Ngunit binago ni Shibata ang kanyang pagkainis at pinairal ang kanyang artistic side na may kasamang humor, napansin niya kasi na pareho na nagfo-fog ang kanyang salamin kaoag kumakain ng ramen at kapag humihinga sa kanyang facemask, kaya’t naisipan nito na gumawa ng ramen facemask.
Sa ganitong paraan ay imbes na mainis ay linagyan niya nalang ng humor.
Wala naman daw siyang balak ibenta ang kanyang artwork na ito at ayon sa kanya, medyo hindi niya din daw ito masyado nasusuot dahil hindi ito ganon ka komportable dahil mabigat ito dahil sa mga disenyo at ang bowl ay puno ng cotton kaya’t medyo mahirap huminga.
© Thomson Reuters 2020
.
Join the Conversation