Japan maaaring payagan na ang global entry ng mga foreigners pero hindi kasali ang mga turista simula next month

Maaaring paluluwagin na ng gobyerno ng Japan ang mga restrictions sa pagpasok sa bansa ng mga tao mula sa buong mundo sa susunod na buwan, ngunit sa mga may visa lamang na 3 buwan mahigit at hindi kasali dito ang mga turista. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Maaaring paluluwagin na ng gobyerno ng Japan ang mga restrictions sa pagpasok sa bansa ng mga tao mula sa buong mundo sa susunod na buwan, ngunit sa mga may visa lamang na 3 buwan mahigit at hindi kasali dito ang mga turista.

Sa kasalukuyan, ang mga tao mula sa 159 na mga bansa at teritoryo ay tinanggihan na makapasok. Ngunit ang pamahalaan ay nagsasagawa ng mga paguusap upang mapadali ang pag ease ng mga restrictions sa higit sa isang dosenang mga bansa at teritoryo. Ipinagpatuloy na ng gobyerno ang travel para sa mga negosyante mula sa Vietnam, Taiwan at iba pa.

Plano ng gobyerno na isaalang-alang ang pagpayag sa pagpapapasok ng mga negosyante pati na rin ang mga propesyonal sa medisina, guro at iba pa na kwalipikado para sa medium at long stay.

Plano ng gobyerno na hilingin sa mga papasok na travelers na kumuha ng mga virus test at mag 14 day self quarantine pagkatapos makarating sa Japan.

Handa rin na payagan ang pagpasok ng mga privately funded na fore8gn students, bilang karagdagan sa mga mag-aaral na nai-sponsor ng estado na nakapasok na dati sa Japan.

Nilalayon ng gobyerno na limitahan ang bilang ng mga tao na pinapayagan na pumasok sa ngayon, at plano na unti-unting magbukas pa ng pinto para sa iba kapag mas napalawak pa ang sistema ng testing sa virus sa mga paliparan.

NHK World

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund