Isang bangkay ng babae natagpuan sa Tsuruoka beach

Patuloy na nagiimbestiga upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspIsang bangkay ng babae natagpuan sa Tsuruoka beach

YAMAGATA – Ang Yamagata Prefectural Police ay naglunsad ng isang imbestigasyon matapos matagpuan ang bangkay ng isang babae sa isang ilog sa Lungsod ng Tsurugaoka noong nakaraang linggo, iniulat ng Yomiuri Shimbun (Setyembre 21).

Dakong 11:20 ng umaga noong Setyembre 20, natagpuan ng isang mangingisda na nasa edad 40 ang bangkay na nakahandusay sa isang batuhan ng Iragawa Area.

Ayon sa Tsuruoka Police Station, ang babae, ay pinaniniwalaang nasa hustong gulang,may taas na 160 sentimetro. Ang isang bahagi ng katawan ay nagsimulang mabulok.

Nakasuot lamang ng berdeng pantalon ang katawan. Wala siyang suot na sapatos, ayon sa mga imbestigador.

Bilang karagdagan sa paggamit ng mga resulta ng awtopsiya upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay, ang pulisya ay patuloy na nagiimbestiga upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima.

Source: Tokyo Reporter

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund