TOKYO – Inaresto ng Tokyo Metropolitan Police ang isang 21 taong gulang na babae na nagsabing siya ay napilitang magsagawa ng pandaraya upang mabayaran ang utang, ulat ng Fuji News Network (Setyembre 23).
Noong Setyembre 2, trinabaho ni Ayari Negishi kasama ang isang kasabwat na lokohin ang isang matandang babae nasa edad 70 gamit ang apat na bank card nito.
Ayon sa kapulisan, ang mga kard ay ginamit upang mawithdraw ang 1.5 milyong yen mula sa account ng biktima.
“Mayroon akong patong-patong na utang sa isang host club,” sinabi ni Negishi sa pulisya sa pag-amin sa krimen. “Makailang beses ko na ito nagawa.”
Bago ang insidente, tinawagan nang kasabwat ni Negishi ang biktima at sinabi na ang kanyang mga bank card ay “maaaring nasira at kakailanganin nang idispose.”
Matapos nuon ay dumating si Negishi sa tirahan ng biktima na nakabihis uniporme ng pulis upang kolektahin ang mga kard.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation