Inilagay ng lalaki ang babaeng drayber ng taxi sa trunk habang ninanakawan  

" Ginawa ko iyon!" Ayon sa suspek.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
&nbspInilagay ng lalaki ang babaeng drayber ng taxi sa trunk habang ninanakawan   
Isang lalaki ang minaneho ang taxi habang ang drayber ay inilagay sa trunk ng sasakyan, sa isang insidente nitong buwan.

TOKYO – Inaresto ng Tokyo Metropolitan Police ang isang 53 taong gulang na lalaki na pinaghihinalaang sangkot sa sa magkasunod na nakawan ng mga driver ng taxi ngayong buwan, iniulat ng NHK (Setyembre 16).

Noong Setyembre 8, si Kazumasa Ogura, walang trabaho, ay sumakay sa isang taksi sa Lungsod ng Fuchu. Na kunsaan diumano niya tinutukan ng kutsilyo ang babaeng driver.

Matapos itali ang mga braso at binti ng babae, inilagay siya ni Ogura sa trunk ng minamanehong taxi. At kinuha ng suspek ang cash na nagkakahalaga ng 40,000 yen.

&nbspInilagay ng lalaki ang babaeng drayber ng taxi sa trunk habang ninanakawan   
Kazumasa Ogura (NHK)

Matapos makuha ang pera ay minaneho ni Ogura ang nasabing taxi at nagikot-ikot sa loob ng 20 minutos habang nasa trunk ang babaeng driver bago ito tuluyang tumakas. Nakahingi ang biktima ng tulong gamit ang kanyang mobile phone.

” Ginawa ko iyon!”

Ayon sa kapulisan, sumuko kalaunan si Ogura. “Ginawa ko iyon,” sinabi niya sa pag-amin sa krimen.

Habang nasa interogasyon, ipinahiwatig ni Ogura ang pagkakasangkot sa isa pang insidente na kinasasangkutan ng isang pang drayber ng taxi sa Koto Ward noong Setyembre 4. Sa kasong iyon, tinutukan ng suspek ang drayber ng kutsilyo bago tinakbo ang taxi.

Source and Image: Tokyo Reporter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund