Humingi ng paumanhin ang Japanese swimmer na si Seto sa kanyang extramarital affair

"Ang aking pagka-walang bahala ay nagbigay ng matinding sakit sa aking pamilya, nagdulot ng gulo at pagkadismaya hindi lang sa aking mga taga-suporta, maging sa aking mga sponsors at sa marami pang tao."

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOKYO- Inamin ng Japanese swimming star na si Daiya Seto na siya ay nagkaroon ng extramarital affair at humingi ng “deep apology” kasunod sa report ng isang weekly magazine, pahayag ng kanyang management company nitong Huwebes.

Ang magasin na Shukan Shincho ay naglathala ng isang artikulo sa online edisyon nitong Miyerkules na nagbalita na si Seto ay namataan sa isang love hotel kasama ang isang babae na hindi niya asawa noong Setyembre.

Sinabi ni Seto sa isang pahayag na inilabas ng kanyang management company, “Ang aking pagka-walang bahala ay nagbigay ng matinding sakit sa aking pamilya, nagdulot ng gulo at pagkadismaya hindi lang sa aking mga taga-suporta, maging sa aking mga sponsors at sa marami pang tao.”

“Sa aking matinding pagsisisi, nais kong pag-usapan kasama ng aking pamilya kung ano ang susunod na mangyayari,” dagdag pa niya.

Ayon sa weekly magazine, si Seto at ang kanyang asawa ay mayroong dalawang maliliit na anak na babae.

Ang 26 taong gulang na si Seto ay nanalo ng men’s 200 at 400 meter sa individual medley double sa World Championships noong nakaraang taon, na nagbigay daan sa kanya para makalahok sa Tokyo Olympic Games sa susunod na taon nang hindi kinakailangang lumaban sa National Trials sa ilalim ng pagpili ng Japan Swimming Federation.

Source:  Japan Todayĺ

 

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund