Babae, 77, nagtangkang magpakamatay matapos tangkaing sakalin ang kanyang mister

" Ang lalaki ay wala ng buhay, samantalang ang kanyang asawa ay nakahandusay at walang malay!"

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
&nbspBabae, 77, nagtangkang magpakamatay matapos tangkaing sakalin ang kanyang mister
Isang 77 taong gulang na ginang ang pinaniniwalaang sinakal muna ang asawa bago subukang kitilin ang kanyang buhay sa kanilang tahanan sa Lungsod ng Motosu nitong Lunes. (Twitter)

GIFU – Ayon sa Gifu Prefectural Police isang 77 taong gulang na babae ang diumano’y sinakal ang kanyang mister at nagtangkang magpatiwakal sa loob ng kanilang tirahan sa Lungsod ng Motosu, ulat ng Nippon News Network ( Setyembre 16).

Dakong 11:10 ng umaga nitong Martes, isang kamag-anak ng mag-asawa na naninirahan sa Kamimakuwa , ang nag-bigay alam sa mga kinauukulan, ” Ang lalaki ay wala ng buhay, samantalang ang kanyang asawa ay nakahandusay at walang malay!”, sambit ng babaeng tumawag.

Ang mga opisyal na rumesponde ay natagpuan sa isang silid si Eiichi Fukuda, 83, na nakahiga sa kama at may mga marka sa kanyang leeg ng posibleng pagkakasakal gamit ang isang lubid, na kung saan siya ay binawian na ng buhay.

Natagpuan din ng mga imbestigador ang asawa ni Fukuda na nakahandusay sa sala. “Uminom ako ng gamot,” sinabi niya sa mga emergency personnel. Tumatanggap siya ngayon ng pangangalagang medikal, kung saan ang kanyang kundisyon ay maayos at malayo sa panganib.

Ang tirahan ay hindi kinakitaan ng anomang palatandaan ng panloloob, pinaniniwalaan ng mga imbestigador na pinatay sa sakal si Fukuda ng kanyang asawa bago ito pagtangkaang kitilin ang sariling buhay.

Balak ng kapulisan na isailalim sa interogasyon ang babae at kuwestyunin tungkol sa pangyayari sa oras na ito ay gumaling.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund