Ang mga paaralan ay nagsara matapos makatanggap ng bomb threats na ipinadala sa Silangang Lungsod ng Japan

Ang mensahe, na ipinadala sa pamamagitan ng inquiry form ng website.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren (Photo Gallery)

MAEBASHI – Ang mga paaralan sa Kiryu, Prepektura ng Gunma , ay isinara matapos ang bomb threat na ipinadala sa pamamagitan ng website ng Silangang Lungsod ng Japan, pahayag ng pamahalaang munisipal.

Ang mensahe, na ipinadala sa pamamagitan ng inquiry form ng website , umaga ng Setyembre 20, ay pagbabanta ng pagpapasabog ng mga paaralang elementarya, junior high at high school kasama ang Kiryu Campus ng Gunma University at ang City Hall sa Setyembre 23, isiniwalat ng Kiryu Municipal Government. Ipinahayag din ng lungsod ang isang araw na pagsasara ng mga paaralan pati na rin ang mas pinaigting na seguridad sa mga paaralan at sa City Hall.

Parte ng nilalaman na mensahe, “Pasasabugin ko ang isang paaralan sa lungsod bandang 12:30 ng hapon sa Setyembre 23 at dudukot ng mga mag-aaral sa kalagitnaan ng kumusyon,” at, “Maghahanda ako ng isang trak na puno ng ammonium nitrate upang ibangga ito sa City Hall bandang 1:30 ng hapon ng Setyembre 23. ”

Ang mga kaparehong bomb threats ay naipadala din sa mga kalapit lungsod ng Nikko at Kanuma sa Prepektura ng Tochigi.

Source and Image: The Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund