Ang Chinese Foreign Minister na bibisita sa Japan, maaaring makipagkita kay Suga

Ito ang magiging kauna-unahang pakikipagusap ni Suga sa isang Senior Chinese Official mula nang mahalal sa posisyon.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspAng Chinese Foreign Minister na bibisita sa Japan, maaaring makipagkita kay Suga

Nalaman ng NHK na ang Chinese Foreign
Minister na si Wang Yi ay inaasahang bibisita sa Japan sa susunod na buwan upang makilala ang kanyang Japanese Counterpart na, si Motegi Toshimitsu.

Isinasaayos din ang isang pagpupulong kasama ang Japanese Prime Minister na si Suga Yoshihide. Ito ang magiging kauna-unahang pakikipagusap ni Suga sa isang Senior Chinese Official mula nang mahalal sa posisyon.

Ang mga paggalaw ay sumusunod sa isang pag-uusap sa telepono sa pagitan ni Suga at Chinese President na si Xi Jinping noong Biyernes.

Binigyang diin nila ang kahalagahan ng mataas na antas ng komunikasyon, kabilang sa pagitan ng mga pinuno, at sumang-ayon na malapit na pakikipagtulungan sa isa’t isa.

Ang Punong Ministro ng Japan ay malamang na makipagkita kay US Secretary of State na si Mike Pompeo , sa kanyang pagbisita Japan sa susunod na buwan.

Ang mga pagpupulong kasama ang mga opisyal ng Estados Unidos at China ay mangyayari sa gitna ng lumalaking tensyon sa pagitan ng Washington at Beijing.

Inilalagay ni Suga ang alyansa ng Japan-US sa kaibuturan ng kanyang diplomasya, at hangad din niyang mapanatili ang komunikasyon sa China na may layuning mabuo ang isang matatag na relasyon.

Inaasahan na maiparatinf ng Punong Ministro ang kanyang mga intensyon kay Wang sa kanilang pagpupulong.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund