Ang artistang Hapon na si Yuko Takeuchi, 40, ay natagpuang patay sa loob ng kanyang bahay,

Si Takeuchi, ay nagmula sa Prepektura ng Saitama , at nag-debut sa programa sa TV na "Cyborg" noong 1995.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Yuko Takeuchi

TOKYO- Ang Haponesang aktres na si Yuko Takeuchi ay natagpuang patay sa kanyang bahay noong Linggo ng madaling araw matapos itong magpakamatay, ayon sa mga malapit sa aktres.

Si Takeuchi, 40, ay natagpuan ng isang miyembro ng kanyang pamilya na nakabigti at dikalaunan kinumpirmang patay sa isang hospital, wala ding natagpuang suicide note ang aktres.

Nakatanggap siya ng mga parangal sa pelikula sa Japan kasama na ang Japanese Academy Film Prize para sa natatanging pagganap ng isang artista sa leading role , siya ay kabilang sa mga nagwagi sa loob ng magkakasunod na taon mula 2004, iniulat sa kanyang opisyal na website.

Si Takeuchi, ay nagmula sa Prepektura ng Saitama , at nag-debut sa programa sa TV na “Cyborg” noong 1995.

Noong 2005, ikinasal si Takeuchi Kabuki Star na si Shido Nakamura at nagkaroon sila ng isang anak na lalaki noong 2008. Naghiwalay din sila sa parehong taon. Noong Pebrero 2019, ikinasal muli si Takeuchi sa aktor na si Taiki Nakabayashi, na kasama niya iisang ahensya. Ipinanganak ng aktres ang kanyang pangalawang anak na lalaki noong Enero.

Source and Image: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund