Yamanashi: Isang lalaki mula sa Saitama ang nanaksak ng isang babae

Si Fukushima ay isang residente ng Lungsod ng Honjo sa Prepektura ng Saitama. Ayon sa kapulisan, matagal na magkakilala ang suspek at ang biktima.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspYamanashi: Isang lalaki mula sa Saitama ang nanaksak ng isang babae

Yamanashi- Ayon sa ulat ng Sankei Shimbun ( Hulyo 5) Yamanashi Prefectural Police noong Linggo, isang 40 taong gulang na lalaki ang kanilang inaresto sa diumano’y pananaksak sa isang batang babae sa Nirasaki City.

Dakong 9:35 ng umaga noong Linggo, si Mikio Fukushima, may trabaho, na umano’y gumamit ng kutsilyo upang saksakin ang isang babae sa kaliwang bahagi ng leeg nito sa isang parking lot.

Ang batang babae ay nagtamo ng malubhang pinsala mula sa pananaksak na kailangan maghilom sa loob ng isang buwan, sabi ng mga imbestigador.

Matapos ang insidente nakatakas ang babae gamit ang sasakyan, ng mamataan ng isang motorista na siyang nag alerto sa kapulisan.

Si Fukushima ay isang residente ng Lungsod ng Honjo sa Prepektura ng Saitama. Ayon sa kapulisan, matagal na magkakilala ang suspek at ang biktima, ulat ng Asahi TV ( Hulyo 5).

Nang maaresto siya sa kasong pagtangkang pagpatay, hindi masagot ng maayos ng suspek ang katanungan ng mga imbestigador.

Source: Tokyo Reporter

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund