Shimane: Nars , arestado matapos makita ang bangkay ng isang bagong panganak na sanggol sa kanyang sasakyan

"Matapos mabuntis siya, may nakapagsabi sa akin na siya ay nagpalaglag, ngunit narinig ko sa kalaunan na siya ay nagsilang at namatay ang sanggol," ayon sa isang kakilala.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

SHIMANE – Inaresto ng Shimane Prefectural Police noong nakaraang linggo ang isang 24-anyos na babaeng nars matapos ang matagpuan ang bangkay ng isang bagong panganak na sanggol sa loob ng isang sasakyan sa Yasugi City, ulat ng Chugoku Shimbun (Hulyo 23).

Dakong 12:20 ng madaling araw noong Hulyo 23, natagpuan ng pulisya ang bangkay ng sanggol sa loob ng sasakyan ni Rika Takeda. Huminto ang sasakyan sa parking lot ng isang convenience store.

Ang kasarian ng sanggol, na tumimbang ng halos 450 gramo, ay hindi nabanggit, ayon sa Yasugi Police Station.

Kinasuhan ng pulisya si Takeda ng abandoning a corpse. Sa interogasyon, inamin niya ang mga paratang. “Ipinanganak ko ang sanggol na nag-iisa sa loob ng kotse noong Hulyo 19 habang nakaparada sa isang lugar,” sabi niya.

Noong Hulyo 22, isang lalaki na kakilala ni Takeda ang nagalerto sa Matsue Police Station. “Matapos mabuntis siya, may nakapagsabi sa akin na siya ay nagpalaglag, ngunit narinig ko [sa kalaunan] na siya ay nagsilang at namatay ang sanggol,” aniya.

Kasalukuyang nagiimbestiga ang kapulisan upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay ng bata.

Source: Tokyo Reporter

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund