Lalaki arestado sa pananaksak sa Yokohama

Sinabi niya na nagagalit siya nang makita ang ibang lalaki na pumasok sa apartment ng kanyang kasintahan at naisip na mayroon silang relasyon.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspLalaki arestado sa pananaksak sa Yokohama

YOKOHAMA- Isang 29 anyos na lalaki ang inaresto ng kapulisan ng Yokohama, nitong Lunes sa salang pagpatay ng isang 31 anyos na lalaki sa loob ng apartment ng kanyang kasintahan.

Iniulat ng Sankei Shimbun, ayon sa pulisya, si Hiroki Yoshizawa, isang empleyado ng kumpanya mula sa Yokosuka, ay sinaksak si Hirokazu Yokobori sa tiyan at leeg bandang 1:45 ng isang umaga. sa apartment sa Kanazawa Ward,

Narinig ng isang kapitbahay ang isang lalaki sa apartment na sumisigaw at humihingi ng tulong , at madaling itinawag sa pulis. Si Yokobori ay dinala sa ospital kung saan siya ay idineklarang patay. Ang kasintahan ni Yoshizawa ay natagpuan din sa apartment, na may sugat na saksak, sabi ng pulisya.

Sinabi ng pulisya na si Yoshizawa, na naaresto sa apartment, ay inamin na sinaksak si Yokobori ngunit itinanggi ang balak na pumatay. Sinabi niya na nagagalit siya nang makita ang ibang lalaki na pumasok sa apartment ng kanyang kasintahan at naisip na mayroon silang relasyon.

Sinabi ng pulisya na ang bintana sa balkonahe ng apartment ay basag at pinaniniwalaan na doon nakapasok si Yoshizawa.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund