Babae, tinutukan ng patalim at ninakawan sa isang parking lot

Isang babaeng na nasa 50's ang ninakawan ng isang lalaki habang tinutukan ng kutsilyo sa isang parking lot sa Tokyo noong Linggo ng gabi. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspBabae, tinutukan ng patalim at ninakawan sa isang parking lot

TOKYO

Isang babaeng na nasa 50’s ang ninakawan ng isang lalaki habang tinutukan ng kutsilyo sa isang parking lot sa Tokyo noong Linggo ng gabi.

Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente bandang 10:30 p.m. sa Nishi-Ikebukuro, Toshima Ward. Ibinunyag sa Fuji TV ng pulisya na ang babae ay kakarating lamang sa kanyang bahay at ipinarada ang kanyang kotse. Nang makalabas na siya ng kotse, isang lalaki na hindi niya kilala ang biglang lumapit sa kanya at binantaan siya at tinutukan ng kutsilyo, hiningi ang kanyang pera at mga mahahalagang gamit.

Ipinadapa ng lalaki ang biktima at ginapos ang mga kamay at paa gamit ang cohesive band. Saka itinangay ang handbag na naglalaman ng halos 50,000 yen at daliang tumakas sa lugar.

Sinabi ng pulisya na ang babae ay humingi ng saklolo at isang passerby ang nakarinig sa kanya at tumawag sa 110. Wala naman natamong sugat ang biktima.

© Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
DO NOT LOSE TO CORONA VIRUS
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
DO NOT LOSE TO CORONA VIRUS
brastel
Flat
TAX refund